Thursday, February 14, 2013

Ang Love Letter Ko




Hindi ko alam, paano sa papel isulat
Isang love letter na nag-uulat
Mula sa isang kaibigang iyong itinuring
Sa iyo pala'y, may lihim na pagtingin

Noong una kitang nakilala
Ika'y kaibigan, sa aking palagay
Ngayon ako'y hindi makapaniwala
Aking puso'y sa iyo ibibigay


Hindi ko lubos maintindihan
Ba't may nadaramang kasiyahan
Tuwing sa araw-araw ika'y nakakasama
Para bang may matindi akong tama

Pagdating ng araw, ito'y iyong mababasa
Tanong ko, ako ba ay may pag-asa
Aking paggiliw, iyo bang tatanggapin?
Kung hindi, maari ba'y patago kang mahalin?



1 comment:

Give voice to your opinion. Let the wisdom speak. Comment