Saturday, January 11, 2014

SmallTalk: Tips sa Pagtitipid

Tamang-tama ang post na ito para sa New Year. I know most of you may New Year's Resolution na, "magtitipid ako", "mag-sasave ako ng (amount) this year" ganyan. Pero ang problema lang, paano ka magsa-save kung araw-araw ay umaabot ng daan-daang piso ang iyong expenses o minsan naman ay mas malaki pa sa income mo.


Eto ang mga tips na pwedeng mong i-apply para pagdating ng Disyembre ay maging mas merry ang Christmas mo kasi may panregalo ka na sa mga inaanak mo (na iniwasan mo last year)! 

1. Monitor your expenses. Ito ang pinakauna mong gawin. Monitor your expenses carefully. If possible, magdala ka palagi ng notebook (pocket one, preferable) para isulat kung magkano ang nagastos mo sa isang araw. At the end of the week, i-analyze mo kung ano-anong mga pinagkakagastusan mo ang talagang kailangan mo at ano ang mga malalaki na pwedeng i-trim down. 

2. Cut your expenses. Since na-monitor mo na at na-analyze, it's time that you cut your expenses. Don't spend too much on luxury and things na hindi mo naman kailangan.  Imagine, a smoker na isang packet ng sigarilyo ang inuubos sa isang araw and let’s say, it's P35. Kung araw-araw ang paninigarilyo niya, mayroon sana siyang P245 a week, at sa isang buwan, halos isang libong piso na. Kung iiwasan ng isang smoker ang paninigarilyo ng isang packet ng sigarilyo araw-araw, malamang, he can save P12,000 a year and not to mention, safe ang kalusugan niya at kalusugan ng ibang tao.

3. Avoid emotional spending. Scenario: Pag na-heart break si babae, ano ang madalas ginagawa niya? Answer: Pupunta sa mall at mag-shop til you drop. Hindi lang wasak ang puso, pati bulsa wasak din. Now, don't spend too much dahil you're feeling something especially anger or sadness. Tendency is you spend more. You spend more and more on things kasi you're not feeling well emotionally at subconsciously, gusto mong mawala na ito. Yes, mawawala nga pero it's temporary. Again, don’t spend because you are not emotionally well but rather, spend wisely.

4. Save. May bank account ka ba? According to statistics from BSP (2012), about 8 out of 10 heads of  Filipino households ang walang bank account. Importante ang pag-iimpok for future use such as education at emergency. Ika nga sa kasabihan, "kung may isinuksok, may madudukot." The mindset of most people pagdating sa pag-iipon, ganito ang equation: SAVINGS = INCOME - EXPENSES. Kung ano ang natira sa income ng isang tao, iyon na ang savings. Supposedly, it should be like this: EXPENSES = INCOME - SAVINGS. Pay yourself first bago ang mga expenses mo. Open a bank account now. How about coin banks (or alkansya)? I don't recommend it kasi coin banks are easier to reach, madaling madudukot at isa pa, hindi tutubo. 

5. Be Simple. Live Simple. Be Practical. Halimbawa, kung malapit lang ang pupuntahan mo, huwag ka na lang sumakay ng jeepney except na lang kung nagmamadali ka. Just Walk. Kunsabagay, maganda ang paglalakad kasi menos-gastos, nakakapag-exercise ka na, happy pa si Mother Nature kasi kabawasan ang paglalakad sa iyong carbon footprint. By living simply and practically, maiiwasan mo ang paggastos ng malaki and even, unnecessary things.

6. Be on the right company. While it's good to spend time with your friends pero huwag kang sumama palagi sa mga night-outs ng mga kaibigan mo lalung-lalo na kung impromptu. You tend to overspend because hindi mo alam kung ano pa ang mga susunod niyong pupuntahan, gagawin o bibilhin. Nakakahiya rin naman sa mga kasama mo kung aalis ka na at isang oras pa lang kayo nagkakasama. Iwasan mo rin iyung mga taong laging nagpapa-libre sa iyo. Hindi iyon nangagailangan, uma-abuso na.

7. Reward Yourself. Just because you cut your expenses, doesn't mean that you should not reward yourself. It's important to reward yourself. Enjoy the fruits of your labor. Pero huwag mo namang ubusin sa reward ang pera mo.

8. Give. Magbigay ka sa mga taong nangangailangan. I would also like to cite about Tithing -ang pagbibigay ng sampung porsyento ng kita mo sa church voluntarily. It is giving back and honoring Him. But don't limit yourself of giving 10%, you can give more than that. God will bless you kasi nagbibigay ka!

Ito ang dapat tandaan, everything here on Earth is owned by God and He entrusted it to us. Kaya dapat maging good steward or good manager tayo on His wealth. Ang tunay na pagtitipid ay ang tamang pagdadala ng pera. Kaya, sa taon na ito, dapat idagdag mo rin sa listahan ng New Year's resolution mo,"Ang maging mabuting steward on God's money."

1 comment:

Give voice to your opinion. Let the wisdom speak. Comment