Sunday, May 6, 2012

Lumayo Ka Nga Sa Akin

Pagbasa mo palang ng pamagat ng bagong libro ng bantog na manunulat na may secret identity (parang si Batman) na si Bob Ong, alam mong spin-off ang title sa kantang "Lumayo ka man sa akin".


Noong naghahanap ako sa bookstore ng paggagastusan ko na libro, nakita ko ang librong ito. Curious lang kaya binili ko kasama ng isa pang likha ni Bob Ong.

Ang libro ay may tatlong kwento na may iba't ibang genre na pinagkasya. Ang unang kwento ay isang action-theme, ang pangalawa naman ay horror at pangatlo ay drama/romance. Ang style ng pagkwento ay parang nasa script ng isang writer sa TV o movies.

Iisa lang ang sigurado habang binabasa mo ang bawat kwento sa libro. Matatawa ka talaga. Nakakatawa dahil unang-una, alam ng mga tauhan na sila ay karakter lamang kaya sa mga dayalog may isinisingit sila. Pangalawa, ang bawat cliche na mababasa sa bawat segment ay makikita rin sa isang totoong action, horror o drama film. Tulad sa action film naka-sentro ang lahat sa paghihiganti. Sa horror na ang palaging setting sa kwento ay isang haunted house. Sa drama na ang bida ay api-apihan. May mga parts lang talaga minsan na exag para gawing katatawanan. Pangatlo diyan ay napapag-uusapan ang mga current trends ngayon, hindi lang sa telebisyon natin kundi sa pang-araw-araw na nangyayari sa ating bansa. Kung baga, ang Filipino culture ay pinapakita sa libro mismo. Ang mga halimbawa na nito ay Facebook, Angry Birds, reality at talent shows at iba pa. Satirical kung tutuusin.

No comments:

Post a Comment

Give voice to your opinion. Let the wisdom speak. Comment