Pagbigyan mo sana, ito'y mapakinggan
Tugon mong pagtatanong aking hinihingi
Ito lang ang nais at pinakatatangi
Bakit dating mo sa akin para kang bangin?
Nahuhulog kasi ako sa iyong mga tingin
Kung hindi naman, ikaw ay isang araw
Kapag ngumiti ka sa akin, nakakasilaw
Kahit di naman gabi, ibig kong umidlip
Nakikita kasi kita sa aking panaginip
At sa totoo lang, mukha kang magnanakaw
Sa kagandahan mo, puso ko iyong ninakaw
Sana ay iyong mapagpasensyahan
Aking mga tanong na walang kabuluhan
Ngunit sa huli kong talata, ika'y maniwala
Ikaw lang ang laman ng isip ko, di ito bola
No comments:
Post a Comment
Give voice to your opinion. Let the wisdom speak. Comment