Saturday, April 28, 2012

The Baker King

Aside sa The Royal Wedding nina Prince William at ni Kate Middleton, isa sa mga nasaksihan ko last year sa TV screen namin ay ang pagtatapos ng The Baker King (Bread, Love and Dreams) sa GMA.


Umiikot ang kwento ng "The Baker King" sa pangunahing tauhan nito sa pangalang Kim Tak Goo. Siya ay nag-aaral upang maging magaling na baker. Pero di tulad ng isang karaniwang baker, si Tak Goo ay may pambihirang kakayahan ng isang matalas na pang-amoy. Tinuturuan siya ni Master Palbong, may-ari ng isang bakery at naging maestro ng kanyang ama. Pero iba ang pinagmulan ng ating bida pagkat si Kim Tak Goo ay anak sa labas ng kanyang ama (na may-ari ng isang baking company). At dahil siya ang panganay na anak na lalaki ng kanyang ama, ang unang pamilya ng kanyang ama ay nagbabalak na angkinin ang kayamanan na para kay Tak-goo at ilagay si Matthew, ang kapatid niya sa ama, para maging tagapagmana ng Gosung Foods. Maraming pagsubok at paghihirap na kakaharapin si Tak-goo tulad ng paghahanap niya sa kanyang ina nang halos 12 taon at marami pang ibang pagsubok. Ang tinuturing na mastermind ng kanyang paghihirap ay si Manager Han, ang kanang kamay ng kanyang ama, para kay Sandra, ang legal na asawa ng kanyang ama. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, patuloy ang pagbangon ni Tak Goo.


Ang "The Baker King" ang inaabangan at pinakagusto kong koreanovela noong isang taon. Ang plot ng drama ay napaka-common tulad ng nawawalang ina, anak sa labas, paghihiganti at sibling rivalry, hindi lamang sa isang babaeng minamahal nila pareho kundi sa isang propesyon at isang mamamanahing kompanya. Pero ang naging pagkakaiba lang ng palabas na ito ay ang mga solid na dayalogo ng programa at mga eksenang kapana-panabik. Bawat dayalogo na minsa'y hindi mo inaasahang sasabihin ng mga tauhan. At mga episode na parang mga bagong hain ng tinapay na may tinatagong sarap sa bawat sa eksena na paparating. Mabuti naman ang pagganap sa mga tauhan. May kanya-kanyang silang character na mamamahalin, kaiinisan, kaaawaan at siyempre, kagagalitan. Ngunit sa bandang huli, bawat tauhan ay mayroong mga kanya-kanyang mga dahilan o motibo kung bakit ganoon sila o kung bakit ginagawa nila ang bagay na ito, mabuti man o masama. Ang "baking" o ang paggawa ng tinapay rito ay isang backdrop, hindi basta-basta bilang trabaho. Backdrop na kung saan maraming matutunan ang mga manonood sa tulong ng mga gabay ni Master Palbong at ng kanyang tatlong pagsusulit. Sinasalamin nito ang kaligayahan at buhay o "metaphors of life" sa paglalarawan ng isang article. Sabi nga dati sa trailer nito sa Pilipinas, "ang kapalaran ay kusang dumarating, kailangan mo itong saluhin." 

Ang "The Baker King" ang naging National Drama ng Korea noong 2010. Ang mga unang episode, ang The Baker King ay pumapang-anim sa ratings ngunit nang mga sumunod na episode umakyat ito hanggang sa naging numero unang programa ng Korea. Sa pinakahuling episode nito, ito ay nakapagtala ng 50%.

Dito sa Pilpinas ang drama na ito ay humahataw rin sa ratings. Dahil sa laki ng ratings nito, inurong ang timeslot nito at mas pinaaga. Pinapaboran pa nga itong gawing maaga kapalit ng isang palabas na hindi na nagre-rate. Minsan, nakabangga ito ng Mara Clara. Hindi lang sa ratings sa Pilipinas magkabangga ang dalawa kundi sa isang ring international award giving body.

Sa ngayon, binabalak ng GMA 7 na ipalabas uli ang The Baker King. Wala pang nakasaaad na petsa at oras kung kailan ito magbabalik. Ngunit isa lang ang sure diyan, maraming excited sa pagbabalik ng nag-iisang The Baker King.

Kung bibigyan ako ng chance na makapunta sa South Korea, isa sa mga dadayuhin kong lugar ang set ng Korean drama na ito. Makikita ito sa Cheongju City, 1 hour and half away from Seoul. Isa itong dating art gallery na ginawang bakery nang sumikat ang palabas na ito. Ang mga props na ginamit sa palabas ay nandoon pa rin at may baking studio naman kung saan ang mga bisita ay tinuturuan paano mag-bake ng mga tinapay na pinasikat ng program tulad ng Bong's bread. 

Palbong's Bakery
(pic from koreataste.org)

Pinoy TV commercials

In between TV show breaks such as entertainment or news, there has always been TV ads (usually refer to as "commercials") that always fills the gap. Either with a splashy background or creative concept or with endorsers such as celebrities, models or even politicians, these TV ads graces the TV screen, not only to endorse their product but as well as entertain the televiewers. It may not known to the public but putting up a TV ad needs a lot of money. From the  advertising company who made these to the TV network who broadcast, all for the sake of be heard and known to the public. TV networks gets a part of their income from companies that invest TV ads in theirs.

These are examples of Pinoy TV ads that not only reflects the Filipino values but are as creative and well-made, not to mention, unforgettable.





There are some Pinoy ads that are witty and funny. 





Thursday, April 26, 2012

3oW Pohwz! Uso pa ba ang jejemon?


(Picture not owned by me)

Ang jejemon ay isang pop culture phenomenon noong 2010 kung saan ang mga salita ay binabago. Binabago sa pamamagitan ng pagbabawas, pagdaragdag at pagpapalit ng mga letra sa isang salita. Tuloy nagiging komplikado ang spelling at siyempre, ang pagbabasa nito. Kalimitan, ang ganitong uri ng pagbaybay ay makikita sa mga social networking site tulad ng Facebook at siyempre, ang masasabing "cradle" o ang pinagmulan ng jejemon, ang SMS. .

Teach me how to jejemon
(Picture not owned by me)

Ang salitang jejemon ay nagmula sa pinagsamang salita na  jeje, isang binagong salita ng hehehe at -mon, mula sa larong Pokemon na pinaiksing salita ng monster. Kung pahahabain pa ang salitang jejemon sa kompletong kahulugan, ito ay "jeje monster" Ang salitang jejemon ay nakasama sa UP Diksyonaryong Filipino at naging salita ng taong 2010. Tinalo pa nito ang mga salitang "Ondoy" at "Ampatuan".

Kung iti-trace naman ang pagsisimula ng paggamit ng mga short-handed language, ang maysala diyan ay ang SMS. Dahil nga ang isang SMS ay may limit 160 characters lamang, pinapaikli ng ilan ang kanilang mga sasabihin sa pamamagitan ng pagbabawas at pagpapalit ng mga letra upang mayroon pang masasabi at isa pa, ay makatipid. Common example diyan ang salitang "wait" na naging "8t" o ang salitang "you" na ginawang letrang u na lang. Sa kaso naman ng mga jejemon, di  tulad ng mga karaniwang pagbabawas at pagpapalit ng letra, ang style ng kanilang pagsulat sa SMS ay hindi lang pagbabawas at pagpapalit kundi ang pagdaragdag ng mga letrang hindi naman kailangan sa isang salita. Tuloy ang isang SMS ay nakakalitong basahin at lubhang hindi mismo maintindihan ng mga taong wala namang alam sa paggamit ng jejemon. Kailangan pa ng mga "interpreter" o "translator" para lang maintindihan ang mensahe.

May mga epekto ang ganitong pop culture lalung-lalo na sa kabataan na nahuhumaling rito. Sa pagkakaalam ko, walang direktang pag-aaral tungkol sa kung ano ang epekto ng jejemon sa kabataan. Tanging kapiraso lamang ng impormasyon tungkol sa advantage at disadvantage ng paggamit nito ang aking nakalap. Nakakahanap sila ng mga bagong kaibigan o ka-tropa kung pareho lang ang interes - ang jejemon. Bonding ito sa magbabarkada at masasabing ang paggamit nila nito ang kanilang secret code upang sila lamang ang magkakaintidihan. Ngunit ang mas nabibigyang pansin ang hindi kagandahang dulot ng jejemon. Gaya ng inaasahan, nagiging makakalimutin sa spelling lalung-lalo na kapag Ingles ang isang jejemon dahil na-aadapt niyo ito kahit sa labas ng cellphone at internet. Nagiging mali-mali sa pagbabaybay. Ang mga jejemons, minsan, ay laging napagkakamalang mga jologs ng ibang dahil lamang hindi maintindihan ang kanilang istilo. At siyempre, nagiging social outcast sila dahil ang ganitong paraan ng pagsusulat ay hindi tanggap ng nakararami. 

Ang mga jejemon ay may pinausong istilo ng pananamit noong unang panahon. Di tulad ng mga emo na maitim na damit at masikip na pantalon at nagsusuot rin ng itim at makapal na eyeliner, ang mga jejemon ay nakasuot ng kulay violet na damit at malaking pantalon. Ngunit ang masasabing trademark ng isang jejemon ay ang cap o sumbrero na may mala-rainbow design. Madali mong malalaman kung ang bagets ay isang jejemon dahil sa cap na parating nakapatong sa ulo.

Ang sikat na jeje cap
(Picture not owned by me)
May mga ayaw rin sa ganitong pop culture rito sa Pilipinas. Sila ang tinatawag na mga "jeje busters". Ang mga jejebusters ay ang mga ayaw sa jejemon at nagnanais na maiwaksi ang ganitong istilo ng pagsulat. Layunin din nila na itigil ang paglaganap nito sa sambayanan. Parang Plants vs. Zombies, pupuksain ang mga jejemon. Sa katunayan, may mga jejebusters na nagsasabi na "dapat pagbalikin sa elementarya ang mga jejemons" dahil hindi sila marunong gumalang sa tamang pag-spelling ng mga salita. Katwiran ng mga ilang jejebusters, nakakahiya lalo na kung mababasa ito ng mga dayuhan at iisipin na ganoon na pala kababa ang Ingles ng mga Pinoy.

Anupaman, ang jejemon ay isang expression. Sinasalamin ang nagbabagong pulso ng mga kabataan at lipunan. Expression na ang wika ay buhay at nagbabago. Ngunit gaya ng mga iba pang pop cultures o sa katawangan ng mga Pinoy ay uso, ito ay naglaho at napaglulumaan ng panahon. Noong nakaraang taon, nauso ang tinatawag na planking. At ngayong taon naman ay may bagong pinapauso, ang noynoying!





-Isa itong kuro-kuro (opinion)

Wednesday, April 25, 2012

Tween Hearts

What I am going to say is not about a teen-oriented show in the television nor the movie itself. However, the topic I'll raise up for today is about romantic relationship between tweens.

As you might not know, tween is a newly-called term for an age group that are "in between" kids and teens. In technicality, they are kids but their characteristics like how they dress and how they act, somewhat, similar to teens. Usually, being a tween starts 9 or 10 and ends at 14 or at the onset of puberty. In this age, children undergo developments in different aspects, notably, physical, emotional and psychological. They have develop their own sense of self and unique social needs and desires and identify their own interest.

Just like teens, though, tweens develop romantic interest in their peers or co-tweens and even other people such as celebrities and sports idol. It is here that "crushes" are in or infatuations perhaps. It is a normal thing, indeed since it is part of their development. However, there are some instances that some tweens got involve in romantic relationships. In an early age, some already tries dating and some, got their first boyfriend or girlfriend. But there are some tweens that got away over in romance. Late night, a 15-year old boy calls to a radio jock, just to share his romantic problems with his so-called girlfriend on the air. However, I was astounded to hear from the boy that he has already 36 girlfriends (I hope that he is assuming with those girls).

In scenarios of serious romantic relationships of tweens, definitely, parents are most concerned. The child may neglect his/her studies because of heart problems. Sometimes, it could restrain the relationship of the child to the parent. They may lose their interest since the focus of the child is the relationship. And for instances, serious romantic relationships could result to unexpected pregnancy.

At this stage, family involvement is the most important. The love and care of a family to a child cannot be compared. No matter how much worth is the laptop nor SLR camera is given, but if love and care is deprived then these things are worthless. It is up to the parent on how to guide their child since they are most knowledge on this topic better than child's peers.


Tuesday, April 24, 2012

Friendster

Naalala mo ba ang website na ito?
Bago pa sumikat nang husto ang Facebook at ang buong mundo ay halos ma-invade nito (BTW, mag-iisang bilyon na ang gumagamit ng Facebook sa buong mundo, kasama na ako), ang Friendster muna ang "sikat" na social media sa mundo. Ito iyung mga panahon na ang access sa internet ay nasa young stage ng paglobo at ang Friendster ang isa sa mga website na nagpa-uso ng social networking sa mundo. Isa sa mga suki nito ay ang mga Pilipino na mahilig makipag-socialize o makipagkaibigan. Kaya hindi kataka-taka na ang nangunguna at pinakamaraming Friendster users sa buong mundo ay ang mga Pilipino. 

May dalawang Friendster account ako dati. Ang isang account ko, para lang, satellite o number 2 lang. Wala akong masyadong nilalagay doon. Ini-add ko lang ang mga kakilala ko sa internet based on same interest gaya nung isa kong kaibigan na mula sa Maynila (kaibigan ko pa rin even outside Friendster). Ang isa naman ay ang personal account ko. Dito ko ini-add ang mga classmates at mga kakilala ko sa labas ng internet. May mga pics nung High School rin ako dito. Naalala ko pa, may pic ako ng light saber, gaya ng sa Star Wars. To realize, Friendster ay parang isang parte ng High School memories ko. 

Ano nga bang meron sa Friendster? Hindi ko na iyan sasagutin dahil marahil most of you, the readers of this blog, must have experience the Friendster magic. Only some features as far as I remember. Una diyan, pwede mong malaman kung sino ang nag-view ng profile mo. At pangalawa, pwede mong i-polish ang facebook profile mo sa gusto mong design. If to compare it with Facebook? No comment ako diyan. Kayo na ang humusga at magkumpara sa dalawa.  Kung may account ka sa Facebook at Friendster at the same time dati, madali mong malalaman kung ano ang pagkakaiba ng dalawa.

Nung isang taon, nag-reformat ang Friendster into a social gaming site. Dahil nga siguro sa pag-boom ng Facebook at decline na rin siguro ng mga (active) users, nagbago ito ng anyo. Bago pa sila nag-reformat, inabisuhan na nila ang mga madlang pipol na i-download ang kanilang mga na-upload na pics, profiles etc. dahil ide-delete na nila ito. Currently, ang site ay may maraming users at kalimitan sa Asya galing. 

Monday, April 23, 2012

Dear Galileo

Ang pelikula na ito ay galing ng Thailand again and this time, multiple locations ito. Kasi naman, multiple countries rin ang setting ng kwento.


Ito ay tungkol sa dalawang magkaibigan na may kanya-kanyang kabiguan sa buhay. Ang isa (naka-blue na jacket) ay bumagsak sa eskwelahan, sa kurso niyang architecture, dahil sa pag-fraud ng signature ng professor niya. Ginamit niya ang drafting room gamit ang huwad na signature na iyon para makagawa ng design na siya namang nagpanalo sa kanya sa isang award. Well, hindi naman bagsak ngunit na-suspend muna siya sa pag-aaral ng isang taon. Samantala, iyung isa naman (naka-green na jacket) ay bigo sa pag-ibig. Hiniwalayan siya ng kanyang boyfriend dahil complaint ng boyfriend niya, sobrang dikit ito sa kanya. Nag-decide ang dalawang magkaibigan to fly away and go to Europe. Hindi lang sight-seeing ang nangyari ngunit kakaibang adventure rin. Anong mga adventures? Panoorin niyo na lang. Ito ang trailer ng pelikula: 



Sunday, April 22, 2012

The Billionaire

Hindi ito iyung kanta ni Bruno Mars na "The Billionaire" kundi ito ay isang Thai movie na napanood ko pa noong isang buwan. Matagal ko ring hinintay ang movie na ito na ma-upload sa internet. Almost 5 months ata. Luckily, napanood ko ito nung isang buwan at worth it naman ang paghihintay. Ngayon ko lang ito na-post dahil trip ko lang.


Since this is movie is based on a true story, bigyan ko na lang kayo ng konting synopsis. Ang pelikula na ito ay tungkol kay Top, isang teenager. Noong 16 pa siya, nahilig siya sa paglalaro ng computer games (kahit sa klase naglalaro pa rin) at napagkakitaan niya ito ng limpak-limpak dahil sa pagbebenta ng mga items o di naman ang character mismo. Anyway, nang ma-ban ang account niya dahil sa raket na ito, naisipan niya na magbenta ng DVD player. Kaso nga lang niloko siya ng nagbebenta sa kanya dahil sa katunayan, low grade. Pagkatapos, nagbenta siya ng chestnuts sa mga mall and at the same time, nag-aaral siya ng commerce. Kaso lang, tinigil niya ang pag-aaral at naka-focus sa pagbebenta ng chestnut sa mga mall. Somewhere in the movie, ang pamilya ni Top ay nagkautang ng malaki at kinakailangan nilang mag-migrate papuntang China since nandoon ang mga kapatid ni Top. As I said, kayo na lang ang magpapatuloy kung ano ang nangyari. Ito iyung trailer ng pelikula: 



Napanood ko sa youtube ito dati. Mali-mali nga lang ang subs pero maiintindihan naman kahit papaano. Kaya lang tinanggal na ata ang video sa youtube. So maghanap na lang kayo sa inyong mga suking pirated DVD. 

Saturday, April 21, 2012

How to Prevent Sunog #Taglish

A Facebook post from one of my friends. He got this somewhere in the web. 
(Image not owned by me)
So I wanna make kwento how the saksakan of our computer make sabog one night. So its kasagsagan of the typhoon chedeng. The panahon seems like have regla, because its so galit ata eh. So there, we didnt napansin that the roof have tulo pala. and the tulo is exactly tapat into the outlet of the saksakan where the computer is nakasaksak. So, while im watching porn, HELL YEAH! Im watching porn that time. Its on the climax na nga eh.. Hahaha Then suddenly the saksakan sparks na malaki and in second it started to make sunog na. i was so nagulat. i was like natulala like that. Then when i make himasmas na, i immediately shut down the main switch of the house. May tita and all my cousins was nagising coz i was shouting. Me like sabi "OMG! OMG! THE SAKSAKAN MAKE SUNOG!" (exagge version) The whole room is so usok. Buti nalang our house doesnt nasunog. Its so nakakatakot, sa true lang. So make ingat sa lahat, since its already RAINY CEASON na. :) That would be all thank you!

Friday, April 20, 2012

Disneyland in the Philippines?

Disneyland Castle
(Picture not owned by me)
May mangilan-ngilan na ring mga Pilipino ang nakapunta sa mga Disneyland theme parks sa iba't ibang panig ng mundo. To share my experience, nakapunta na ako sa Disneyland Hong Kong, not only once but twice. At gaya ng iba sa atin, naisipan ko ang isang ideya: paano kung magtayo ng isang Disneyland sa Pilipinas. Marami namang lugar sa Pilipinas ang pwede tulad ng Cebu, Davao o kahit man lang karatig-probinsya na malapit sa Maynila.

Kung tutuusin, hindi naman imposible ang ganitong ideya. Marami sa atin lalung-lalo na ang mga bata kilala-kilala ang mga karakter na ginawa ng Disney tulad ni Winnie the Pooh, Woody ng Toy Story, mga prinsesa tulad ni Snow White at siyempre, pahuhuli ba naman si Mickey Mouse na masasabing ang icon ng Disney. At hindi lang basta kilala kundi ay kinalakihan na o parte ng "childhood memories". Tiyak na dudumugin ang Disneyland ng buong pamilya. Bata o matanda, for all ages.

Maraming magagawa ang ganitong theme park rito sa atin. Unang-una diyan, it will generate employment. Kahit simpleng janitor na tagalinis ng buong parke hanggang sa mahihirap na gawain na kailangan ng tulong ng mga engineers. Of course, may mga magtratrabaho bilang mga dancers at singers na siyang puso ng sikat na sikat na Disney parade. Kilala pa naman ang mga Pilipino bilang magagaling sa awitan at kantahan. Pangalawa, malaking income sa pamahalaan. Ayon sa article, tax free ito kung sakaling ito'y mangyari at sa Clark Freeport Zone ito itatayo. Pero ang kita mula sa mga banyagang dadayo rito kung sakaling matayo ito, ang magdadala ng malaking income. Isa rin itong malaking boost sa turismo. Kung ito ay magkatotoo, ang Pilipinas ang magiging kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na magkakaroon ng Disneyland Resort.

Pero may mga dahilan rin kung bakit masasabing malayo lang itong mangyari. Unang-una sa listahan, ang seguridad. Paano masisiguro na magiging ligtas ang pagbisita ng mga tao sa Disneyland tulad ng pagnanakaw sa loob mismo ng theme park o di kaya'y di sana mangyari, isang hostage crisis ang maganap. Pangalawa, ang 60-40 capital limitation. Mapupunta lamang sa foreign owners ang 40% ng shares o kita ng resort. Pangatlo, kaya bang ma-afford ng karamihan ng mga Pilipino ang napakalaking entrance fee ng Disneyland. Sa tantiya ko, ang isang ticket ay nagkakahalagang 3,000. Kaya nga siguro, nilagay ang Disneyland theme park sa mga mega at key cities ng mundo tulad ng Paris, Hong Kong, Tokyo at ang itatayo pang Shanghai Disneyland. Isa ngang napakalaking investment ang isang Disneyland theme park.

Hindi masama na magkaroon ng ideya na ganito. Pwedeng sabihing malayo lamang itong mangyari. Pero huwag namang isarado ang pinto sa isang malaking posibilidad. Sa huli, ang pagtatayo ng Disneyland resort sa Pilipinas ay nakasalalay sa desisyon ng mga namamahala nito. Siyempre, dadaanan ito sa mataas na proseso at masusing pag-aaral. Malay natin?




Paalala: Isa itong kuro-kuro(opinion).

Today is Sunny Day!



Ang post na ito ay pinamagatang "Today is Sunny Day!" Hindi dahil sa kahapon ay umulan pero sunny day kasi ang init! The sky is clear, the cloud not near, the sun cheer. Sa pagkakarinig ko 33 degree celsius ang temperatura ngayon sa Metro Cebu. Kaya pala, ang init talaga. At eto naman ako, may mga lalakarin. Lumusong sa malayo at maalikabok na daan, sumakay ng jeep at pumasok ng mall. Sala sa init, sala sa lamig talaga! 

May facebook friend ko nga nag-post ng Global Warming. Well, hindi nga natin masisisi kung bakit nag-post siya ng ganon. Kasi, aside sa summer ngayon, lalo pang pinalala ng global warming ang init sa ating paligid. No need nang i-explain kung ano ang Global Warming at ang mga dahilan nito. Siyempre, mga epekto nito at paano ito maiiwasan. Dahil sa init, of course, may mangingitim ang balat at ma-heat stroke. Siyempre, mayroon ring lalong iinit ang ulo dahil sa init lalo na ang mga pumipila at mga drayber ng jeep dahil sa mga pasaherong pasaway. 

Sa mga hindi maiiwasang kailangang magbabad sa araw, hindi sa beach kundi sa siyudad, magpahid ka na lang ng Sunblock, iyung may SPF15 para hindi umitim ang balat. Uminom ng maraming tubig, of course, para maiwasan ang pagkauhaw at heat stroke. Huwag masyadong magbabad sa init. Kung may sisilungan habang naglalakad, sumilong ka! Magdala ng shades. At panghuli, hat, cap o payong para may pandong sa ulo natin. 

Thursday, April 19, 2012

Tetris

Maraming mga tao lalung-lalo na ang mga kabataan ngayon na suki ng social media na Facebook ang naglalaro o di kaya'y na-aadik sa larong tinatawag na Tetris. Pati nga ang inyong lingkod, ay naglalaro rin ng Tetris. (Kaya lang nasa Rank 18 pa). 


Sa aking gunita ang Tetris na nasa Facebook ay parang pinsan lang ng laro na tinatawag na Brick Game. Kaya naman, sa mga may brick game dati, madali lang na ma-adapt ang paglalaro nito. Simple lang ito at kailangan mo lang malaman kung ano ang mga keys na pwedeng pindutin tulad ng pakaliwa, pakanan, pababa (slow) at pababa na mabilis. Meron rin namang shift kung kailangan mo namang magpalit ng tetriminos (ngayon ko lang nalaman na tetriminos pala ang tawag sa parang mga bricks). 


Pagpasok mo sa loob ng tetris, may iba't ibang arena ka na pwedeng pasukan tulad ng Battle 2P, Battle 6P at Sprint. Makikita sa itaas ang Tetris Coin, Tetris Cash, Energy bar at Current XP. Sa bawat laro, madagdagan ang tetris coin at current XP. Samantalang, ang Cash Energy naman ay makukunan ng 5 points. Madagdagan naman ang Tetris Cash kung magle-level up. May shop rin sa loob ng laro kung saan pwede mong i-enhance ang gaming experience mo tulad ng pagpapalit ng design ng tetriminos. Meron ring bahagi sa shop kung saan pwede mong i-upgrade ang speed ng iyong game play.

Pwede kayong maglaro ng isa sa iyong mga kaibigan o pwede namang isang barkada depende sa arena na pinasukan niyo. Basta ang mga kaibigan mo, may facebook at may tetris application, okay na. 

Paalala lang, gaya ng mga iba pang video game, hinay-hinay lang. May maganda namang dulot ang paglalaro ng video game. Basta may self-control at nag-eenjoy. Di ba?

Wednesday, April 18, 2012

Fabulous 30 (30 kam lung jaew)

Kani-kanina lang, ito ang napanood kong Thai flick. Matagal ko nang pinapakiramdaman ang movie na ito kaso lang, wala akong makitang English subs nito. Hanggang trailer nga lang, pero sa huli, napanood ko rin ito sa web with English sub pa.

Anyway, ito ang kwento ng pelikula. May isang babae na kaka-31 lang na may nakilala na isang binatilyo na 24 year old sa birthday party niya mismo. Later on, ang binatilyo lagi siyang pina-follow (hindi sa Twitter), sinusundan kahit saan. So, as you guess it, ang binatilyo may gusto sa kanya kahit na mas matanda siya ng pitong taon. Siyanaman ayaw dahil nga hindi daw sila "compatible", dahil nga sa edad nilang dalawa. Then, pag-uwi ni girl sa bahay niya, bumalik ang ex-boyfriend niya ng pitong taon. Nagkahiwalay sila noong nag-30 ang babae dahil daw marami pa daw silang bagay na dapat pag-iisipan o sa madaling salita ayaw ng ex-boyfriend niya na ikasal kahit gusto na gusto na ng babae ang mag-settle down. 

Ang nangyari... panoorin niyo na lang... 

Ito ang trailer: 



May mga scenes pala sa trailer ang wala sa pelikula kaya tingnan niyo na lang alin ang wala. But the Underwater scene is the cutest part of the film. 

Pinoy Banda

Noong isang araw, habang bino-browse ko iyung channel ko sa youtube, nakita ko na may playlist pala ako ng mga kantang OPM. Kaya napag-isipan kong makinig ng mga Pinoy band songs tulad ng Hale, Silent Sanctuary at Eraserheads para naman may madagdag sa listahang OPM. Along the way, may mga nababasa rin naman akong mga comments na nasasayangan. Hindi sa nasasayangan sa kanta kung hindi ay nasasayangan sa panahon ngayon. Sa mga kabataan ngayon na hindi makaka-enjoy sa mga himig na dala ng Pinoy Rock.

Kung titingnan ngayon, in the bird's eyeview, hindi talaga masasabing "in" ang Pinoy banda. Marami ang nahuhumaling sa upbeat na musika ng mga bandang galing ng Korea na sinabayan ng mga galaw o sayaw na talagang nakakamangha. Hindi pa rin pahuhuli ang mga party music ng Amerika ng mga iba't ibang banda.

Dito sa atin, hindi ko alam kung kailan ang kasagsagan ng kainitan ng Pinoy banda. Marahil ay noong dekada '70s hanggang '90s. Hindi pa naman ako naipanganak noon. Ang naabutan ko lamang siguro ang mga kanta ng mga bandang Hale, Cueshe at Orange and Lemons. Hindi rin naman pahuhuli ang mga kanta ng 6CycleMind tulad ng I, Callalily at Silent Sanctuary. Sino ba naman ang hindi makakalimut sa Beer at Akin ka na Lang ng Itchyworms?

Bilang panghuli kong talata sa entry kong ito, nais ko lamang sabihin na hindi naman talaga wala nang kinang ang Pinoy banda. Marami pa ring mga banda sa music scene ang gumagawa ng kanilang mga album, kanta at nagco-concert. Marami ang patuloy pa rin sa kanilang passion at mahasa ang kanilang craft. Kaya sa mga Pinoy bands at sa mga sumusuporta sa adhikain na i-revive ang OPM, MABUHAY KAYO!!!

Sunday, April 15, 2012

Pick-up Lines

Ito ang situation: sa isang lugar, pwede kalsada, restaurant or pwede rin sa paaralan/university, may nakita kang isang magandang dilag. Tapos na-love at first sight ka. Anong moves ang gagawin mo para magpakilala? Of course naman, lalapitan mo. Pero dapat magpa-impress ka para naman di ka makalimutan. O di kaya'y magpatawa. Swak diyan ang Pick-up Lines. 




Marami akong naririnig na mga pick-up lines. Naririnig sa TV like Bubble Gang at sa news (kapag si Sen. Santiago ang nagde-deliver). Mayroon rin naman sa pelikula (My Amnesia Girl). May kanta rin namang nagawa na ang lyrics ay puro pick-up lines (Mahal kita kasi...) Ano nga ba ang pick-up line? Ano ang saktong definition nito? 


According to Wikipedia, "a conversation opener with the intent of engaging an unfamiliar person for romance, or dating." Dagdag pa niya, "Pick-up lines range from straightforward conversation openers such as introducing oneself, providing information about oneself, or asking someone what their likes are to elaborate attempts including humor." Pasok nga talaga ang situation sa itaas para ma-apply ang pick-up line. Ito ang mga pick-up line na pwedeng i-apply. 


"Miss! langit na ba to? para ka kasing anghel."


"Miss may-ari ba ng Chocnut factory ang tatay mo? ang tamis kasi ng mga ngiti mo."


"Miss, para kang utot? Nakakatakot kang pakawalan!" 


"Miss, ang galing mo rin, noh? Hindi pa nga ako bumabato, tinamaan na ako."



Aside sa pagpapa-impress, pasok na pasok ito kung may nililigawan ka (pinopormahan o pinapakiramdaman) at sa mga mag-jowa, ito ang mga pick-up lines na swak: 


"it takes million of people to complete the world, But it only takes you to complete mine"


"Sana ulan ka at lupa na lang ako. Para kahit gaano kalakas ang patak mo, sa akin pa rin ang bagsak mo."


"Tumawag ka ng MMDA. Nagkabangaan ang mga puso natin." 


"Hindi ka ba napapagod? Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko." 


"Dictionary ka ba? You gave meaning to my life." 


"Sana naka-off ang ilaw para tayo naman ang mag-on." 


Kung may pinopormahan ka at gusto mo ng pick-up line bilang strategy, mag-research ka or pwede kang mag-improvise i.e. gumawa ka ng sarili mong pick-up line. 

Friday, April 13, 2012

Two years after I stopped this old blog

Two years ago, sinimulan ko ang blog na ito para lang may pagkaabalahan . Pero tumigil na rin ako kinalaunan. Ngayon, I decide to revamp this thing since summer ngayon at wala akong pagkakaabalahan.

Ano nga ba nangyari sa two years after I stopped blogging? 

-Third year MedTech student!
-May keyboard na ako. 
-Nakapagtravel sa Hong Kong, China at Macau
-Made a first travel documentary video kaya lang nawala.
-Nala-late pa rin sa school

Dati palang pangalan ng old blog ko ay My Web Haven pero pinalitan ko na ng What's In My Notebook?

Bye2x My Web Haven; Hello, notebook