Noong isang araw, habang bino-browse ko iyung channel ko sa youtube, nakita ko na may playlist pala ako ng mga kantang OPM. Kaya napag-isipan kong makinig ng mga Pinoy band songs tulad ng Hale, Silent Sanctuary at Eraserheads para naman may madagdag sa listahang OPM. Along the way, may mga nababasa rin naman akong mga comments na nasasayangan. Hindi sa nasasayangan sa kanta kung hindi ay nasasayangan sa panahon ngayon. Sa mga kabataan ngayon na hindi makaka-enjoy sa mga himig na dala ng Pinoy Rock.
Kung titingnan ngayon, in the bird's eyeview, hindi talaga masasabing "in" ang Pinoy banda. Marami ang nahuhumaling sa upbeat na musika ng mga bandang galing ng Korea na sinabayan ng mga galaw o sayaw na talagang nakakamangha. Hindi pa rin pahuhuli ang mga party music ng Amerika ng mga iba't ibang banda.
Dito sa atin, hindi ko alam kung kailan ang kasagsagan ng kainitan ng Pinoy banda. Marahil ay noong dekada '70s hanggang '90s. Hindi pa naman ako naipanganak noon. Ang naabutan ko lamang siguro ang mga kanta ng mga bandang Hale, Cueshe at Orange and Lemons. Hindi rin naman pahuhuli ang mga kanta ng 6CycleMind tulad ng I, Callalily at Silent Sanctuary. Sino ba naman ang hindi makakalimut sa Beer at Akin ka na Lang ng Itchyworms?
Bilang panghuli kong talata sa entry kong ito, nais ko lamang sabihin na hindi naman talaga wala nang kinang ang Pinoy banda. Marami pa ring mga banda sa music scene ang gumagawa ng kanilang mga album, kanta at nagco-concert. Marami ang patuloy pa rin sa kanilang passion at mahasa ang kanilang craft. Kaya sa mga Pinoy bands at sa mga sumusuporta sa adhikain na i-revive ang OPM, MABUHAY KAYO!!!
No comments:
Post a Comment
Give voice to your opinion. Let the wisdom speak. Comment