Umiikot ang kwento ng "The Baker King" sa pangunahing tauhan nito sa pangalang Kim Tak Goo. Siya ay nag-aaral upang maging magaling na baker. Pero di tulad ng isang karaniwang baker, si Tak Goo ay may pambihirang kakayahan ng isang matalas na pang-amoy. Tinuturuan siya ni Master Palbong, may-ari ng isang bakery at naging maestro ng kanyang ama. Pero iba ang pinagmulan ng ating bida pagkat si Kim Tak Goo ay anak sa labas ng kanyang ama (na may-ari ng isang baking company). At dahil siya ang panganay na anak na lalaki ng kanyang ama, ang unang pamilya ng kanyang ama ay nagbabalak na angkinin ang kayamanan na para kay Tak-goo at ilagay si Matthew, ang kapatid niya sa ama, para maging tagapagmana ng Gosung Foods. Maraming pagsubok at paghihirap na kakaharapin si Tak-goo tulad ng paghahanap niya sa kanyang ina nang halos 12 taon at marami pang ibang pagsubok. Ang tinuturing na mastermind ng kanyang paghihirap ay si Manager Han, ang kanang kamay ng kanyang ama, para kay Sandra, ang legal na asawa ng kanyang ama. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, patuloy ang pagbangon ni Tak Goo.
Ang "The Baker King" ang inaabangan at pinakagusto kong koreanovela noong isang taon. Ang plot ng drama ay napaka-common tulad ng nawawalang ina, anak sa labas, paghihiganti at sibling rivalry, hindi lamang sa isang babaeng minamahal nila pareho kundi sa isang propesyon at isang mamamanahing kompanya. Pero ang naging pagkakaiba lang ng palabas na ito ay ang mga solid na dayalogo ng programa at mga eksenang kapana-panabik. Bawat dayalogo na minsa'y hindi mo inaasahang sasabihin ng mga tauhan. At mga episode na parang mga bagong hain ng tinapay na may tinatagong sarap sa bawat sa eksena na paparating. Mabuti naman ang pagganap sa mga tauhan. May kanya-kanyang silang character na mamamahalin, kaiinisan, kaaawaan at siyempre, kagagalitan. Ngunit sa bandang huli, bawat tauhan ay mayroong mga kanya-kanyang mga dahilan o motibo kung bakit ganoon sila o kung bakit ginagawa nila ang bagay na ito, mabuti man o masama. Ang "baking" o ang paggawa ng tinapay rito ay isang backdrop, hindi basta-basta bilang trabaho. Backdrop na kung saan maraming matutunan ang mga manonood sa tulong ng mga gabay ni Master Palbong at ng kanyang tatlong pagsusulit. Sinasalamin nito ang kaligayahan at buhay o "metaphors of life" sa paglalarawan ng isang article. Sabi nga dati sa trailer nito sa Pilipinas, "ang kapalaran ay kusang dumarating, kailangan mo itong saluhin."
Ang "The Baker King" ang naging National Drama ng Korea noong 2010. Ang mga unang episode, ang The Baker King ay pumapang-anim sa ratings ngunit nang mga sumunod na episode umakyat ito hanggang sa naging numero unang programa ng Korea. Sa pinakahuling episode nito, ito ay nakapagtala ng 50%.
Dito sa Pilpinas ang drama na ito ay humahataw rin sa ratings. Dahil sa laki ng ratings nito, inurong ang timeslot nito at mas pinaaga. Pinapaboran pa nga itong gawing maaga kapalit ng isang palabas na hindi na nagre-rate. Minsan, nakabangga ito ng Mara Clara. Hindi lang sa ratings sa Pilipinas magkabangga ang dalawa kundi sa isang ring international award giving body.
Sa ngayon, binabalak ng GMA 7 na ipalabas uli ang The Baker King. Wala pang nakasaaad na petsa at oras kung kailan ito magbabalik. Ngunit isa lang ang sure diyan, maraming excited sa pagbabalik ng nag-iisang The Baker King.
Kung bibigyan ako ng chance na makapunta sa South Korea, isa sa mga dadayuhin kong lugar ang set ng Korean drama na ito. Makikita ito sa Cheongju City, 1 hour and half away from Seoul. Isa itong dating art gallery na ginawang bakery nang sumikat ang palabas na ito. Ang mga props na ginamit sa palabas ay nandoon pa rin at may baking studio naman kung saan ang mga bisita ay tinuturuan paano mag-bake ng mga tinapay na pinasikat ng program tulad ng Bong's bread.
Palbong's Bakery (pic from koreataste.org) |
No comments:
Post a Comment
Give voice to your opinion. Let the wisdom speak. Comment