Disneyland Castle (Picture not owned by me) |
May mangilan-ngilan na ring mga Pilipino ang nakapunta sa mga Disneyland theme parks sa iba't ibang panig ng mundo. To share my experience, nakapunta na ako sa Disneyland Hong Kong, not only once but twice. At gaya ng iba sa atin, naisipan ko ang isang ideya: paano kung magtayo ng isang Disneyland sa Pilipinas. Marami namang lugar sa Pilipinas ang pwede tulad ng Cebu, Davao o kahit man lang karatig-probinsya na malapit sa Maynila.
Kung tutuusin, hindi naman imposible ang ganitong ideya. Marami sa atin lalung-lalo na ang mga bata kilala-kilala ang mga karakter na ginawa ng Disney tulad ni Winnie the Pooh, Woody ng Toy Story, mga prinsesa tulad ni Snow White at siyempre, pahuhuli ba naman si Mickey Mouse na masasabing ang icon ng Disney. At hindi lang basta kilala kundi ay kinalakihan na o parte ng "childhood memories". Tiyak na dudumugin ang Disneyland ng buong pamilya. Bata o matanda, for all ages.
Maraming magagawa ang ganitong theme park rito sa atin. Unang-una diyan, it will generate employment. Kahit simpleng janitor na tagalinis ng buong parke hanggang sa mahihirap na gawain na kailangan ng tulong ng mga engineers. Of course, may mga magtratrabaho bilang mga dancers at singers na siyang puso ng sikat na sikat na Disney parade. Kilala pa naman ang mga Pilipino bilang magagaling sa awitan at kantahan. Pangalawa, malaking income sa pamahalaan. Ayon sa article, tax free ito kung sakaling ito'y mangyari at sa Clark Freeport Zone ito itatayo. Pero ang kita mula sa mga banyagang dadayo rito kung sakaling matayo ito, ang magdadala ng malaking income. Isa rin itong malaking boost sa turismo. Kung ito ay magkatotoo, ang Pilipinas ang magiging kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na magkakaroon ng Disneyland Resort.
Pero may mga dahilan rin kung bakit masasabing malayo lang itong mangyari. Unang-una sa listahan, ang seguridad. Paano masisiguro na magiging ligtas ang pagbisita ng mga tao sa Disneyland tulad ng pagnanakaw sa loob mismo ng theme park o di kaya'y di sana mangyari, isang hostage crisis ang maganap. Pangalawa, ang 60-40 capital limitation. Mapupunta lamang sa foreign owners ang 40% ng shares o kita ng resort. Pangatlo, kaya bang ma-afford ng karamihan ng mga Pilipino ang napakalaking entrance fee ng Disneyland. Sa tantiya ko, ang isang ticket ay nagkakahalagang 3,000. Kaya nga siguro, nilagay ang Disneyland theme park sa mga mega at key cities ng mundo tulad ng Paris, Hong Kong, Tokyo at ang itatayo pang Shanghai Disneyland. Isa ngang napakalaking investment ang isang Disneyland theme park.
Hindi masama na magkaroon ng ideya na ganito. Pwedeng sabihing malayo lamang itong mangyari. Pero huwag namang isarado ang pinto sa isang malaking posibilidad. Sa huli, ang pagtatayo ng Disneyland resort sa Pilipinas ay nakasalalay sa desisyon ng mga namamahala nito. Siyempre, dadaanan ito sa mataas na proseso at masusing pag-aaral. Malay natin?
Paalala: Isa itong kuro-kuro(opinion).
No comments:
Post a Comment
Give voice to your opinion. Let the wisdom speak. Comment