Thursday, April 26, 2012

3oW Pohwz! Uso pa ba ang jejemon?


(Picture not owned by me)

Ang jejemon ay isang pop culture phenomenon noong 2010 kung saan ang mga salita ay binabago. Binabago sa pamamagitan ng pagbabawas, pagdaragdag at pagpapalit ng mga letra sa isang salita. Tuloy nagiging komplikado ang spelling at siyempre, ang pagbabasa nito. Kalimitan, ang ganitong uri ng pagbaybay ay makikita sa mga social networking site tulad ng Facebook at siyempre, ang masasabing "cradle" o ang pinagmulan ng jejemon, ang SMS. .

Teach me how to jejemon
(Picture not owned by me)

Ang salitang jejemon ay nagmula sa pinagsamang salita na  jeje, isang binagong salita ng hehehe at -mon, mula sa larong Pokemon na pinaiksing salita ng monster. Kung pahahabain pa ang salitang jejemon sa kompletong kahulugan, ito ay "jeje monster" Ang salitang jejemon ay nakasama sa UP Diksyonaryong Filipino at naging salita ng taong 2010. Tinalo pa nito ang mga salitang "Ondoy" at "Ampatuan".

Kung iti-trace naman ang pagsisimula ng paggamit ng mga short-handed language, ang maysala diyan ay ang SMS. Dahil nga ang isang SMS ay may limit 160 characters lamang, pinapaikli ng ilan ang kanilang mga sasabihin sa pamamagitan ng pagbabawas at pagpapalit ng mga letra upang mayroon pang masasabi at isa pa, ay makatipid. Common example diyan ang salitang "wait" na naging "8t" o ang salitang "you" na ginawang letrang u na lang. Sa kaso naman ng mga jejemon, di  tulad ng mga karaniwang pagbabawas at pagpapalit ng letra, ang style ng kanilang pagsulat sa SMS ay hindi lang pagbabawas at pagpapalit kundi ang pagdaragdag ng mga letrang hindi naman kailangan sa isang salita. Tuloy ang isang SMS ay nakakalitong basahin at lubhang hindi mismo maintindihan ng mga taong wala namang alam sa paggamit ng jejemon. Kailangan pa ng mga "interpreter" o "translator" para lang maintindihan ang mensahe.

May mga epekto ang ganitong pop culture lalung-lalo na sa kabataan na nahuhumaling rito. Sa pagkakaalam ko, walang direktang pag-aaral tungkol sa kung ano ang epekto ng jejemon sa kabataan. Tanging kapiraso lamang ng impormasyon tungkol sa advantage at disadvantage ng paggamit nito ang aking nakalap. Nakakahanap sila ng mga bagong kaibigan o ka-tropa kung pareho lang ang interes - ang jejemon. Bonding ito sa magbabarkada at masasabing ang paggamit nila nito ang kanilang secret code upang sila lamang ang magkakaintidihan. Ngunit ang mas nabibigyang pansin ang hindi kagandahang dulot ng jejemon. Gaya ng inaasahan, nagiging makakalimutin sa spelling lalung-lalo na kapag Ingles ang isang jejemon dahil na-aadapt niyo ito kahit sa labas ng cellphone at internet. Nagiging mali-mali sa pagbabaybay. Ang mga jejemons, minsan, ay laging napagkakamalang mga jologs ng ibang dahil lamang hindi maintindihan ang kanilang istilo. At siyempre, nagiging social outcast sila dahil ang ganitong paraan ng pagsusulat ay hindi tanggap ng nakararami. 

Ang mga jejemon ay may pinausong istilo ng pananamit noong unang panahon. Di tulad ng mga emo na maitim na damit at masikip na pantalon at nagsusuot rin ng itim at makapal na eyeliner, ang mga jejemon ay nakasuot ng kulay violet na damit at malaking pantalon. Ngunit ang masasabing trademark ng isang jejemon ay ang cap o sumbrero na may mala-rainbow design. Madali mong malalaman kung ang bagets ay isang jejemon dahil sa cap na parating nakapatong sa ulo.

Ang sikat na jeje cap
(Picture not owned by me)
May mga ayaw rin sa ganitong pop culture rito sa Pilipinas. Sila ang tinatawag na mga "jeje busters". Ang mga jejebusters ay ang mga ayaw sa jejemon at nagnanais na maiwaksi ang ganitong istilo ng pagsulat. Layunin din nila na itigil ang paglaganap nito sa sambayanan. Parang Plants vs. Zombies, pupuksain ang mga jejemon. Sa katunayan, may mga jejebusters na nagsasabi na "dapat pagbalikin sa elementarya ang mga jejemons" dahil hindi sila marunong gumalang sa tamang pag-spelling ng mga salita. Katwiran ng mga ilang jejebusters, nakakahiya lalo na kung mababasa ito ng mga dayuhan at iisipin na ganoon na pala kababa ang Ingles ng mga Pinoy.

Anupaman, ang jejemon ay isang expression. Sinasalamin ang nagbabagong pulso ng mga kabataan at lipunan. Expression na ang wika ay buhay at nagbabago. Ngunit gaya ng mga iba pang pop cultures o sa katawangan ng mga Pinoy ay uso, ito ay naglaho at napaglulumaan ng panahon. Noong nakaraang taon, nauso ang tinatawag na planking. At ngayong taon naman ay may bagong pinapauso, ang noynoying!





-Isa itong kuro-kuro (opinion)

3 comments:

  1. ayo ko ng salitANG JEJEMON KASI NAKAKASIRA ng wika ng mga pilipino.

    ReplyDelete
  2. Nanggaling ako dyan. Pwede yan mabago, nasasatao lang yan

    ReplyDelete

Give voice to your opinion. Let the wisdom speak. Comment