Bago pa sumikat nang husto ang Facebook at ang buong mundo ay halos ma-invade nito (BTW, mag-iisang bilyon na ang gumagamit ng Facebook sa buong mundo, kasama na ako), ang Friendster muna ang "sikat" na social media sa mundo. Ito iyung mga panahon na ang access sa internet ay nasa young stage ng paglobo at ang Friendster ang isa sa mga website na nagpa-uso ng social networking sa mundo. Isa sa mga suki nito ay ang mga Pilipino na mahilig makipag-socialize o makipagkaibigan. Kaya hindi kataka-taka na ang nangunguna at pinakamaraming Friendster users sa buong mundo ay ang mga Pilipino.
May dalawang Friendster account ako dati. Ang isang account ko, para lang, satellite o number 2 lang. Wala akong masyadong nilalagay doon. Ini-add ko lang ang mga kakilala ko sa internet based on same interest gaya nung isa kong kaibigan na mula sa Maynila (kaibigan ko pa rin even outside Friendster). Ang isa naman ay ang personal account ko. Dito ko ini-add ang mga classmates at mga kakilala ko sa labas ng internet. May mga pics nung High School rin ako dito. Naalala ko pa, may pic ako ng light saber, gaya ng sa Star Wars. To realize, Friendster ay parang isang parte ng High School memories ko.
Ano nga bang meron sa Friendster? Hindi ko na iyan sasagutin dahil marahil most of you, the readers of this blog, must have experience the Friendster magic. Only some features as far as I remember. Una diyan, pwede mong malaman kung sino ang nag-view ng profile mo. At pangalawa, pwede mong i-polish ang facebook profile mo sa gusto mong design. If to compare it with Facebook? No comment ako diyan. Kayo na ang humusga at magkumpara sa dalawa. Kung may account ka sa Facebook at Friendster at the same time dati, madali mong malalaman kung ano ang pagkakaiba ng dalawa.
Nung isang taon, nag-reformat ang Friendster into a social gaming site. Dahil nga siguro sa pag-boom ng Facebook at decline na rin siguro ng mga (active) users, nagbago ito ng anyo. Bago pa sila nag-reformat, inabisuhan na nila ang mga madlang pipol na i-download ang kanilang mga na-upload na pics, profiles etc. dahil ide-delete na nila ito. Currently, ang site ay may maraming users at kalimitan sa Asya galing.
No comments:
Post a Comment
Give voice to your opinion. Let the wisdom speak. Comment