Maraming mga tao lalung-lalo na ang mga kabataan ngayon na suki ng social media na Facebook ang naglalaro o di kaya'y na-aadik sa larong tinatawag na Tetris. Pati nga ang inyong lingkod, ay naglalaro rin ng Tetris. (Kaya lang nasa Rank 18 pa).
Sa aking gunita ang Tetris na nasa Facebook ay parang pinsan lang ng laro na tinatawag na Brick Game. Kaya naman, sa mga may brick game dati, madali lang na ma-adapt ang paglalaro nito. Simple lang ito at kailangan mo lang malaman kung ano ang mga keys na pwedeng pindutin tulad ng pakaliwa, pakanan, pababa (slow) at pababa na mabilis. Meron rin namang shift kung kailangan mo namang magpalit ng tetriminos (ngayon ko lang nalaman na tetriminos pala ang tawag sa parang mga bricks).
Pagpasok mo sa loob ng tetris, may iba't ibang arena ka na pwedeng pasukan tulad ng Battle 2P, Battle 6P at Sprint. Makikita sa itaas ang Tetris Coin, Tetris Cash, Energy bar at Current XP. Sa bawat laro, madagdagan ang tetris coin at current XP. Samantalang, ang Cash Energy naman ay makukunan ng 5 points. Madagdagan naman ang Tetris Cash kung magle-level up. May shop rin sa loob ng laro kung saan pwede mong i-enhance ang gaming experience mo tulad ng pagpapalit ng design ng tetriminos. Meron ring bahagi sa shop kung saan pwede mong i-upgrade ang speed ng iyong game play.
Pwede kayong maglaro ng isa sa iyong mga kaibigan o pwede namang isang barkada depende sa arena na pinasukan niyo. Basta ang mga kaibigan mo, may facebook at may tetris application, okay na.
Paalala lang, gaya ng mga iba pang video game, hinay-hinay lang. May maganda namang dulot ang paglalaro ng video game. Basta may self-control at nag-eenjoy. Di ba?
No comments:
Post a Comment
Give voice to your opinion. Let the wisdom speak. Comment